𝟭 𝗣𝗔𝗥𝗜, 𝟲 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗧𝗔𝗞𝗘 𝗦𝗔 𝗥𝗨𝗦𝗦𝗜𝗔

CAUAYAN CITY – Walang awang pinagbabaril ng armadong grupo ang isang (1) pari at anim (6) na pulis sa Dagestan Province, sa bansang Russia.

Ayon sa ulat, ang nangyaring pamamaslang ay nangyari partikular na sa Orthodox Church at Police Post.

Maliban sa mga nasawi, umabot din sa 12 iba ang sugatan sa pag-atake.


Hindi pa nakontento dito ang mga suspek at sinunog pa mismo ang simbahan, mabuti na lamang at kaagad itong naapula ng mga awtoridad.

Samantala, dalawa naman mula sa mga armadong grupo ang napaslang ng rumespondeng Russia Police.

Sa ngayon ay patuloy pang tinutugis ang mga nakatakas ngunit kasalukuyan nang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Facebook Comments