Monday, March 23, 2026

๐Ÿญ ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—ฌ, ๐Ÿฎ ๐—ฆ๐—จ๐—š๐—”๐—ง๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—›๐—˜๐—”๐——-๐—ข๐—ก ๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐——๐—œ๐—”๐——๐—œ, ๐—ก๐—จ๐—˜๐—ฉ๐—” ๐—ฉ๐—œ๐—ญ๐—–๐—”๐—ฌ๐—”

โ€ŽCauayan City – Patay ang isang tricycle driver habang dalawa naman ang nasugatan matapos ang banggaan ng tricycle at kotse sa Barangay Namamparan, Diadi pasado alas-8 ng gabi noong Marso 20.

โ€ŽAyon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Diadi, binabaybay ng kotse na minamaneho ng isang residente ng Cauayan City ang northbound lane, habang ang tricycle ay minamaneho ng 50-anyos na lalaki mula Poblacion, Diadi, na may sakay na dalawang babae.

โ€ŽSa imbestigasyon, napag-alamang pumasok ang tricycle sa linya ng kotse sa isang pakurbadang bahagi ng kalsada na may double yellow line, na nagresulta sa head-on collision ng dalawang sasakyan.

โ€ŽAgad na dinala sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival ang driver ng tricycle.

โ€ŽSamantala, nasa kustodiya na ng PNP ang driver ng kotse para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon.

โ€ŽSource: DWRV
โ€ŽPhoto credit: NVPPO

Facebook Comments