𝟭, 𝟮𝟰𝟵 𝗡𝗔 𝗠𝗢𝗦𝗧 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗬𝗔

Nasa 1,249 na most wanted persons ang naitalang naaresto ng Pangasinan Police Provincial Office mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Sa panayam ng IFM Dagupan kay PANGPPO Information Officer PCapt. Renan Dela Cruz, magkakaibang kaso ang kinasangkutan ng mga naaresto tulad ng kasong Rape at may kaugnayan sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 10591.

Pinakamarami sa mga nahuli ay may kasong Rape, Homicide at Carnapping.

Kamakailan lamang ay naaresto ng kapulisan ang Top Most Wanted sa mga Municipal at City Level sa kasong rape na kinabibilangan ng isang estudyante. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments