Papalo na sa 1.75 milyong residente sa Ilocos Region ang nai-deliver na ang kanilang Philippine Identification System o PhilSys ID, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) Region 1.

Ayon kay PSA-Ilocos chief administrative officer Camille Carla Beltran, nasa 4.56 milyong residente ang tapos nang sumailalim sa step 2 ng philsys registration.

Patuloy ang paghihikayat ni Beltran sa mga residente na magparehistro lalo na sa mga magulang na iparehistro ang kanilang mga anak na nasa edad Isa pababa.

Samantala, aabot naman na aa 108, 621 ang bilang ng mga nasa edad lima pababa ang natapos na ang step 2 ng pagpaparehistro.

Ilan lamang sa mga benepisyo nang pagkakaroon ng naturang ID Ay mapapabilis ang kanilang transaksyon sa pagkuha o pagpapaauthenticate ng mga dokumento, tulad ng mga civil registry documents, halimbawa ang birth certificate o marriage contract at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments