Cauayan City โ Inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na ipatutupad ngayong January 2025 ang second tranche ng dagdag-sahod para sa mga government employees.
Nilagdaan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang National Budget Circular No. 597, na naglalaman ng mga alituntunin para sa salary increase na ito, alinsunod sa Executive Order (EO) No. 64 na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong August 2024.
Bahagi ito ng layunin ng administrasyon na mapabuti ang buhay ng mga manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng mas mataas na sahod kung saan sakop ng dagdag sahod ang mga civilian government employees mula sa executive, legislative, at judicial branches; constitutional offices; State Universities and Colleges (SUCs); at ilang Government Owned and Controlled Corporations.
Samantala, kabilang rin sa makakatanggap ng dagdag sahod ang mga regular, casual, contractual, appointive, o elective na empleyado, kahit part-time o full-time.