Inihayag ito ni Gov. Ramon Guico III kasunod nang dinalang LINGAP ed Barangay ng Pamahalaang Panlalawigan sa bayan.
Ayon sa Gobernador, ang pondo ay ilalaan para sa iba’t-ibang aktibidad kasama na ang serbisyong pangkalusugan para sa mga residente dahil ito ay kabilang sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) o liblib na lugar.
Matatandaan na idineklara ang Malico ng Pamahalaang Panlalawigan bilang Summer Capital of Pangasinan sa pamamagitan ng pagpasa ng isang ordinansa noong 2023 dahil sa angking ganda nito na Mala Baguio.
Ayon pa kay Guico, isa ang Malico sa limang tourism areas sa probinsiya na pagtutuunan ng pansin upang mapalakas ang tourism industry.
Samantala, pagtitiyak din ng Sangguniang Panlalawigan na patuloy ang pagpasa ng mga resolusyon ng San Nicolas sa mga proyektong may kaugnayan sa Malico bilang pagpapakita ng suporta. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨