𝟮𝟬𝟬-𝗠𝗜𝗟𝗟𝗜𝗢𝗡-𝗣𝗘𝗦𝗢 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗦𝗔 𝗨𝗠𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Nag-umpisa na ang pagsasagawa sa konstruksyon ng 200-million-peso Community Hospital project sa bayan ng Umingan.

Nasa limamput lima ang bed capacity ng naturang ospital kung saan makapagbibigay ng mabilis na serbisyo sa mga residente ng bayan ng Umingan.

Kasalukuyan na ang pagsasagawa na ito sa apat na ektaryang lupain sa Brgy. Gonzales, Umingan,Pangasinan na pag-aari ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.

Bahagi ito ng township project ng pamahalaang panlalawigan.

Samantala, ilan pa sa township project na ito ang pagkakaroon ng transport terminal, commercial area,daycare center, park at social hall. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments