CAUAYAN CITY – Naipamahagi na sa 205 Senior Citizens ng Maconacon, Isabela ang kanilang pensyon sa pangunguna ng DSWD Field Office 2.
Nasa mahigit P600-K ang halaga ng pensyong naipamahagi kung saan ang pondo ay galing sa General Appropriations Act (GAA).
Ang naturang pensyon ay para sa buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre o para sa ika-apat na kwarter ng taong 2024.
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo dahil may ipambibili na sila ng pagkain, gatas, at gamot.
Facebook Comments