Tuesday, February 24, 2026

𝟮𝟭-𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗚𝗨𝗦𝗧𝗜𝗡, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

Cauayan City – Nasawi ang isang 21-anyos na estudyante matapos maaksidente habang minamaneho ang kanyang motorsiklo sa kahabaan ng national road sa Purok 7, Brgy. Laoag, San Agustin, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Laurence Ace Pedro Arucan na residente ng Brgy. Panang, San Agustin, Isabela.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, patungong timog o papuntang Brgy. Panang ang motorsiklo nang mawalan umano ng kontrol si Laurence at bumangga ito sa isang konkretong road directory sign at tumilapon sa kalsada.

Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng malubhang pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Naisugod pa ng Rescue 111 ang biktima sa Prospero G. Bello Integrated Hospital sa Jones, Isabela ngunit binawian rin ito ng buhay.

Samantala, nasa kustodiya na ng San Agustin Municipal Police Station ang nasabing motorsiklo para sa kaukulang disposisyon.

PHOTO: FOR ILLUSTRATION ONLY
————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments