Cauayan City- Nakatanggap ng monthly rice subsidy ang 2,234 barangay frontliners matapos mamahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.
Kabilang ang Lungsod ng Cauayan, Munisipalidad ng Reina Mercedes, Naguilian at Gamu ang nabenepisyuhan ng naturang programa.
Ilan sa mga tumanggap ng naturang benepisyo ay ang mga barangay frontliners na kinabibilangan ng Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholars (BNS), Day Care Workers (DCW), Barangay Population Workers (BPW) at Barangay Police (tanod).
Ang pamahalaang panlalawigan, sa ilalim ng pamumuno nina Governor Rodito T. Albano III at Vice Governor Faustino “Bojie” G. Dy III, ay patuloy na mamamahagi ng bigas sa iba’t ibang mga sektor sa mga susunod na araw.
Facebook Comments