𝟮𝟮𝟲 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗚𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗟𝗔𝗦𝗘 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪

Dahil sa epekto ng bagyong Carina sa Ilocos Region maantala ang pagbubukas ng klase ng 226 pampublikong paaralan sa Ilocos Region.

Kinabibilangan ito ng limang paaralan sa Dagupan City, dalawa sa Pangasinan I, isa sa Laoag City, animnapu’t-isa sa La Union at isang daan at limampu’t-pito naman sa Ilocos Sur.

Ilan sa mga paaralang ito ay ginagamit bilang evacuation areas o dahil sa rehabilitasyon ng mga paaralan matapos maranasan ang hagupit ng bagyo.

Nasa dalawang libo, anim na raan at tatlumpu’t-lima (2635) na mga pampublikong paaralan sa buong Ilocos Region o katumbas ang 92% ang nakatakdang magbukas ng klase ngayong araw.

Nakapagtala naman ang DepEd Region 1 ng 785,145 learners na inaasahang magbabalik eskwela ngayong school year 2024-2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments