Bangkay na nang matagpuan ang 22 anyos na babae na palutang lutang sa isang fishpond sa bayan ng Villasis.
Nakilala mismo ng kaanak ang biktima na residente ng Sta. Barbara, Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, pansamantalang naninirahan ang biktima sa Villasis.
Bago ang insidente, nakipag-inuman pa ang biktima sa kanyang bayaw at mga kaibigan sa kanilang bahay. Sumaglit ito sa isang sari-sari store ngunit bigo na itong nakabalik pa.
Nadiskubre na lamang ng kapatid ng biktima nang hapon ding iyon ang katawan ng kaniyang kapatid na palutang lutang sa fishpond. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments