Umaabot na sa 1,184 ang bilang ng mga barangay sa Pangasinan ang idineklarang drug Cleared ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa susunod na linggo madaragdagang ang nasabing bilang ng 22 Barangay matapos dumaan sa validation ng PDEA.
Sa ekslusibong panayam ng iFM Dagupan kay PDEA Provincial Director, IA V Rechie Camacho, sinabi nito na nagpapatuloy ang drug-clearing efforts ng ahensya kung saan sumasailalim ang tatlong bayan na kinabibilangan ng Dasol, San Nicolas at Umingan sa balidasyon.
Samantala,umaabot na sa 13 ang naitayong Bakay Silangan sa lalawigan na kayong matulungan ang mga reformists na magbagong buhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments