𝟮𝟮, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗟𝗘𝗣𝗧𝗢𝗦𝗣𝗜𝗥𝗢𝗦𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭

Pumalo na sa 22 ang bilang ng nasawi dahil sa leptospirosis sa Ilocos Region ayon sa Department of Health-Center for Health Development 1.

Ayon sa ahensya, nakapagtala na ito ng 125 kaso nito ngayong taon.

Dahil dito, inaasahan pa nila na tataas ang naturang bilang dahil sa mga mararanasan pang pag-uulan at pagbaha.

Dagdag pa riyan, nakatutok ang kagawaran ng kalusugan sa rehiyon upang mabawasan ang bilang ng magkakasakit.

Ani Dr. Rheuel Bobis sa isang panayam, patuloy ang kanilang paghahanda at surveillance dahil sa inaasahang pagpalo ng naitalang kaso ng sakit.

Nakahanda na rin ang mga special treatment lanes sa mga ospital sa rehiyon.

Dahil dito, paalala ang DOH-CHD 1 ng ibayong pag-iingat upang makaiwas sa naturang sakit, at kung sakaling makaranas ng sintomas nito ay agad na magpatingin sa doctor at huwag mag self-medicate. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments