𝟮𝟰/𝟳 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬, 𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗦𝗗 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚

Cauayan City – Buong pwersa ng Public Order and Safety Division Cauayan City ang pagbabantay sa nasasakupan ng lungsod ng Cauayan ngayong may banta ng bagyo.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay POSD Chief Pilarito Mallillin, kagaya ng nakagawian kapag may nararanasang bagyo ay talagang 24/7 ang kanilang ginagawang pagbabantay upang masiguro ang kaligtasan sa buong lungsod ng Cauayan.

Aniya, ang 42 na POSD personnels ay may kanya-kanyang areas na dapat bantayan upang masiguro na kaagad makakapag respunde sakali man na mayroong maitalang insidente o mayroong mangailangan ng tulong.


Samantala, patuloy na nakikiusap si Chief Malillin sa mga Cauayeño na ngayong panahon ng sakuna ay unahin ang kanilang kaligtasan at sumunod sa mga umiiral na patakaran at mga ordinansa.

Facebook Comments