Isinagawa kahapon ang groundbreaking ceremony sa itatayong tulay sa Bolinao, Pangasinan.
Nagkakahalaga ng 1.950 bilyong piso ang 3.300 kilometrong tulay na siyang kokonekta sa Bolinao patungong Santiago Islands.
Walong barangay sa Santiago Island ang makikinabang sa itatayong tulay kung saan may nasa 25,000 na residente. Direktang mabebenepisyuhan ng naturang tulay ang Dewey, Victory, Pilar, Salud, Goyoden, Lucero, Binabalian at Luciente I.
Sa pamamagitan ng tulay magiging ligtas ang pagbyahe ng mga residente dahil gumagamit ang mga residente dito ng bangka bilang transportasyon.
Kasama na rin sa proyektong ito ang iba pang isasagawang kalsada at concrete bridge. Inaasahan naman na makokompleto ang nasabing proyekto sa taong 2027.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments