𝟮𝟱 𝗟𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗥𝗠𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗙

Nasa 25 lugar sa Ilocos Region ang nanatiling nasa red zone o lugar na kumpirmadong kaso ng African Swine Fever (ASF).

Ayon sa Department of Agriculture ang 15 ay mula sa Ilocos Sur, 8 sa La Union, samantalang 2 naman sa Ilocos Norte.

Pumalo sa 2,470 ang sumailalim sa culling operation sa La Union, 900 sa Ilocos Sur, at 80 sa Ilocos Norte.

Dahil dito, mahigpit na ipinapaalala ng ahensya ang pagsunod sa biosecurity upang maiwasang mainfect ang Ilan pang babuyan o lugar.

Tiniyak naman ang indemnification o tulong sa apektadong hog raisers sa rehiyon, kung saan posible silang tumanggap mula PHP 4,000 – PHP 12,000 depende sa baboy.

Nanatili namang ASF-Free ang Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments