Sumailalim ang 25 persons deprived of liberty of PDLs sa Alaminos City sa isang Basic Carpentry Program Ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Matapos ang training ng mga ito tumanggap sila ng cash assistance bilang panimula ng kanilang negosyo sa paggawa ng ‘casket’ habang nasa loob ng kulungan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, Bahagi ito ng kanilang reformation program upang maging produktibo habang sila ay nasa loob ng bilangguan.
Ang kikitain ng mga ito sa kanilang magiging produkto ay ipantutustos sa kanilang pamilya.
Samantala, magpapatuloy umano ang lokal na pamahalaan sa mga programa nito para sa mga PDLs. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments