Umabot na sa mahigit dawalampuโt anim na libong mag-aaral mula sa ibaโt-ibang paaralan sa Ilocos Region ang nabakunahan na ng Department of Health R1 sa nagpapatuloy na School Base Immunization o Bakuna Eskwela 2024.
Sa tala ng kagawaran, nasa 26,595 ang bilang ng mga mag-aaral sa mga paaralan sa rehiyon ang nabakunahan o nabigyan ng bakuna kontra tigdas,rubella, tetanus, diphtheria at human papillomavirus.
Sa nasabing bilang 11,468 dito ay mula sa lalawigan ng Pangasinan. Target ng kagawaran na mabakunahan ang nasa higit isang daang libong mga mag-aaral sa mga paaralan sa rehiyon hanggang sa Nobyembre ngayong taon.
Iginiit ng DOH Ilocos ang kahalagahan ng pagbabakuna sa mga bata na maaring maagapan sa pamamagitan ng bakuna. |๐๐๐ข๐ฃ๐๐ฌ๐จ