๐Ÿฎ๐Ÿณ ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐——๐—”๐—š๐—จ๐—ฃ๐—”๐—ก ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ, ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ ๐—ก๐—” ๐—ง๐—œ๐—ก๐—จ๐—ง๐—จ๐—ง๐—จ๐—ž๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—” ๐—จ๐—ž๐—ข๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—จ๐—ฆ๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—š ๐—œ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐——๐—ฅ๐—ข๐—š๐—”

Nakikipag-ugnayan ang hanay ng kapulisan sa lungsod ng Dagupan sa mga lokal na opisyales sa bawat barangay sa lungsod ukol sa usapin ng ilegal na droga.

Sa kasalukuyan, nasa dalawampu’t-pito (27) pa mula sa tatlumpu’t-isang (31) barangay sa nasabing lungsod ang patuloy na tinututukan ng pulisya kaugnay pa rin sa presensya ng droga.

Apat naman na barangay na kinabibilangan ng Brgy. 1, Tebeng, Mamalingling at Pogo Grande ang idineklara nang drug-cleared barangays.

Sa buong lalawigan ng Pangasinan, mas pinaigting pa ng Pangasinan Provincial Police Office ang pagsasagawa ng mga aksyon ilalim ng kanilang kampanya laban sa droga. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments