𝟮𝟴𝟬 𝗩𝗜𝗡𝗧𝗔𝗚𝗘 𝗖𝗔𝗠𝗘𝗥𝗔, 𝗞𝗢𝗟𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗧𝗜𝗥𝗘𝗗 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗚𝗥𝗔𝗣𝗛𝗘𝗥

Dinarayo ng mga turista ang isang Museum sa Pugo, La union dahil sa koleksyon ng mga vintage camera ng Isang retired photographer.

Pag-aari ito ng Baguio based artist na si Clinton Aniversario, 47 years old.

Kahanga-hanga ang museo dahil nasa 280 na vintage camera collection ang naka display.

Ayon kay Clinton, 2008 nang magsimula siyang maengganyo na mangolekta ng camera na noon ay nasa 8 na camera pa lamang.

Karamihan sa mga ito ay binibili niya mula sa mga kakilala at ang ilan naman ay mula sa mga surplus shop.

Hindi bababa sa 100,000 pesos na Leica M3 ang pinaka mahal na camera ang nakadisplay sa museum nito.

Bagamat nasa La Union ang naturang museum, karamihan pa rin umano sa mga nagpupunta rito ay mga taga Baguio City at La trinidad Benguet.

Kasama rin sa museum ni Clinton ang isang Dark Room na hugis camera at ayon sa kaniya, bagamat marami na ngayon ang pinipili na ang digital printing, mas maganda at mas tumatagal ang kalidad ng mga larawan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments