𝟮𝟴𝟮 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗔 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭

Timbog ang 282 na katao sa tatlong araw na operasyon ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Police Regional Office 1.

Ayon sa PRO1, 91 dito ang nasa listahan ng mga Wanted sa rehiyon kabilang na ang isang most wanted person na mayroong patong sa ulo mula sa Department of Interior and Local Government (DILG), walong City at Municipal top most wanted person at 82 na iba pa wanted person.

Nasabat din ang 12. 741 na gramo ng shabu at 70. 03 na gramo ng marijuana leaves na nagkakahalaga ng mahigit 86 milyon pesos na nakuha mula sa 55 na suspek. Umabot din sa 129 na personalidad ang arestado dahil sa pagsusugal.

Sa kampanya kontra loose firearms pitong katao ang nasakote kung saan nakuha sa mga ito ang siyam na baril.

Sinabi rin ng PRO1, na dalawang miyembro ng criminal gang sa rehiyon ang kusang sumuko sa pulisya sa pinaigting na tatlong araw ng SACLEO. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments