Monday, January 19, 2026

𝟮𝟵 𝗣𝗘𝗦𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗜𝗕𝗜𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗗𝗜𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗟𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Lingayen ang mababang presyo sa mga dekalidad na bigas para sa mga vulnerable sector sa bisa ng memorandum of agreement kasama ang Food Terminal Incorporated.

Sa naturang kasunduan, maaring makabili ng mura at iba’t-ibang klase ng bigas ang mga residente sa gaganaping Kadiwa ng Pangulo sa darating na August 29.

Nasa P29 ang pinaka mababang halaga ng bigas ang maaring mabili ng solo parents, PWDs, Senior Citizens at mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Bukod dito, maaring makabili ang mga residente ng P45 na bigas sa ilalim ng Rice-For-All program. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments