CAUAYAN CITY – Pinasinayaan ng DOH Region 2 ang pagbubukas ng dalawang bagong isolation facilities ng Region 2 Trauma and Medical Center (R2TMC) sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Mayroong dalawang palapag ang mga nasabing pasilidad kung saan naglalaman ito ng 6 beds na pinondohan ng P24.3-M mula sa Bayanihan Project, at 5-bed isolation room na nagkakahalaga ng P10.9-M sa ilalim naman World Bank Project.
Sa naging pahayag ni Undersecretary of Health at pangulo ng Universal Health Care (UHC) Health Services Cluster – Area 1, Dr. Maria Rosario Vergeire, binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na pasilidad para sa dekalidad na medical care.
Ang bagong pasilidad ay nagpapakita ng dedikasyon ng mga health workers na mabigyang pansin ang iba’t-ibang health issues sa kanilang lalawigan.