
โ
โCauayan City – Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa magkahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan ng Cagayan nitong ika-16 ng Pebrero taing kasalukuyan.
โ
โSa bayan ng Gattaran, nadakip ng mga operatiba ng Gattaran Police Station, katuwang ang Cagayan Provincial Mobile Force Company at PDEA Regional Office 2, ang 29-anyos na suspek na kilala sa alyas โSol.โ
โ
โNarekober sa kanya ang tinatayang isang gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa apat na sachet, buy-bust money, at ilang drug paraphernalia, pati isang motorsiklong walang plaka.
โ
โSamantala, sa isinagawang operasyon ng City Drug Enforcement Unit sa Tuguegarao City, naaresto ang 33-anyos na suspek na alyas โJamesโ matapos umanong magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na isang gramo, marked money at isang cellphone.
โ
โKasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek at inihahanda na ang pagsasampa ng kaso ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
โ
โSource: Cagayan PPO
————————————–
โPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ#985ifmcauayan
โ#idol
โ#numberone
โ#ifmnewscauayan










