
Cauayan City – Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang kalalakihang nagpuslit ng ilegal na mga sigarilyo sa lungsod ng Cauayan sa ikinasang operasyon sa Brgy. Alinam, Cauayan City, Isabela.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas โJaime,โat alyas โRicโ, parehong nasa tamang edad at residente ng Cauayan City, Isabela.
Ayon sa report, nakatanggap ng ulat ang mga awtoridad kaugnay sa nabanggit na illegal na pagbibiyahe ng sigarilyo kaya naman kaagad na nakipag-ugnayan ang mga ito sa Bureau of Internal Revenue (BIR) bago naglatag ng checkpoint operation sa nabanggit na lugar.
Habang nasa checkpoint ang mga awtoridad, kanilang namataan ang dalawang tricycle kaya naman kanila itong pinahinto.
Dito ay kitang-kita ang mga bukas na karton na naglalaman ng mga ibaโt- ibang klase ng sigarilyo.
Nang suriin ang mga dokumento ng mga produkto, bigo ang mga suspek na magpakita ng dokumento na magpapatunay sa tunay na pinagmulan ng mga nabanggit na sigarilyo dahillan upang sila ay dakpin.
Nakumpiska mula sa pag-iingat ni alyas โRicโ ang 5 karton na naglalaman 212 na ream ng iba’t-ibang brand ng pekeng sigarilyo at isang tricycle.
Samantala, nasamsam naman kay alyas โJaimeโ ang 4 na karton na naglalaman ng 200 na ream ng iba’t-ibang brand ng pekeng sigarilyo at isa ring tricycle.
Matapos ang pagkakaaresto, agad na dinala ang mga suspek sa himpilan ng Cauayan City PS para sa dokumentasyon at pagsasampa kaukulang kaso.









