𝟮 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗕𝗔𝗟𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗠𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔

Kasalukuyang nagpapagaling ang dalawang lalaki matapos makuryente sa isang lamay sa Sitio Singko de Septembre sa Brgy.Navatat, Basista.

Kinilala ang mga biktima na sina June Ubando, 47 anyos at si Agido Frias, 52 anyos.

Naganap ang insidente sa tahanan ni Ubando, pasado ala una ng hapon ngayong araw kung saan kasalukuyang pinaglalamayan ang kaniyang Ina.

Nahawakan umano ng dalawa ang nabalatang kable ng kuryente habang inaayos ang canopy kung kaya’t sila ay nakuryente.

Nawalan ng malay ang dalawa at agad na isinugod sa hospital at maswerteng nakaligtas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments