𝟮 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Cauayan City – Timbog ang dalawang kalalakihan matapos ang ikinasang buy bust operation kahapon ika-12 ng Hunyo, sa Brgy. Baligatan, sa lungsod ng Ilagan.

Kinilala ang dalawang tulak ng ilegal na droga na si Alyas Dan, tubong Pasay City, at alyas “Mike” mula naman sa Cabagan, Isabela.

Positibong nabentahan ng mga suspek ang awtoridad na nagpanggap na buyer ng 1 pakete ng hinihinalang shabu.


Bukod pa rito, nakuha rin sa dalawa ang karagdagang 8 pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang puting envelope, 2 magkaibang unit ng cellphone, 1 belt bag, cash, ID’s at mga resibo, at boodle money.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Ilagan City PS ang mga suspek para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Facebook Comments