![drugs](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2024/06/drugs.jpg?resize=696%2C696&ssl=1)
CAUAYAN CITY- Himas rehas ngayon ang dalawang indibidwal matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Sapang Palay Brgy. Mabini, Santiago City.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Kevin”, 27-anyos, at si alyas “Jay”, 41-anyos, at pawang mga residente ng nasabing lungsod.
Nasamsam sa mga suspek ang isang (1) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at cellphone.
Sa kasalukuyan, ang mga suspek ay nasa kustodiya ng Santiago City Police Office Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon.
Samantala, mahaharap naman ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments