Sunday, February 22, 2026

๐Ÿฎ ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—œ, ๐—ง๐—œ๐— ๐—•๐—ข๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—จ๐—ง๐—ข๐—Ÿ ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—ก๐—ข

Cauayan City โ€“ Nasakote ng mga operatiba ng Jones Municipal Police Station ang dalawang lalaki matapos mahuli sa aktong ilegal na pagputol ng puno sa Brgy. Fugu, Jones, Isabela noong ika-21 ng Pebrero.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas โ€œAllan,โ€ 29-anyos, chainsaw operator, at alyas โ€œDelio,โ€ 23-anyos, helper, kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng intelligence monitoring ang pulisya sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. Fugu nang marinig nila ang tunog ng chainsaw kaya naman agad na pinuntahan ng mga ito ang pinagmumulan ng ingay at dito nga naaktuhan ang dalawang suspek na pumuputol ng puno ng mahogany.

Nang hingan ng kaukulang permit at dokumento, nabigo ang mga ito na magpakita ng anumang papeles para sa legal na pagputol ng puno at paggamit ng chainsaw, na paglabag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines at Republic Act 9175 o Chainsaw Act of 2002.

Agad na inaresto ang mga suspek, kasabay nito ang pagkakakumpiska sa kanila ang 22 piraso ng sawn lumber na may ibaโ€™t-ibang sukat, dalawang round logs, at isang chainsaw na ginamit sa pagputol ng mga puno.

Samantala, binigyang-diin ni Police Colonel Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, na magpapatuloy ang pinaigting na kampanya laban sa illegal logging at iba pang paglabag sa batas pangkalikasan upang maprotektahan ang likas na yaman ng lalawigan.

————————————–

โ€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

โ€Ž#985ifmcauayan
โ€Ž#idol
โ€Ž#numberone
โ€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments