๐Ÿฎ ๐— ๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ž๐—”, ๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—”๐——๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ก๐—š ๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—”๐—Ÿ ๐—Ÿ๐—ข๐—š๐—š๐—œ๐—ก๐—š

CAUAYAN CITY โ€“ Arestado ang dalawang indibidwal sa bayan ng Baggao, Cagayan, matapos mahuling namumutol ng punong-kahoy.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas โ€œTonyingโ€, 56-anyos, residente ng Brgy. Tallang, Baggao; at si alyas โ€œGoryoโ€, 58 -anyos mula sa Brgy. Bitag Grande sa nabanggit na bayan at parehong magsasaka.

Ayon sa pulisya, nahuli ang mga suspek sa aktong pagpuputol ng Gmelina tree gamit ang chainsaw sa isinagawang magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad.


Wala rin umanong maipakitang dokumento o permit ang mga suspek para sa pagpuputol ng puno at lisensya sa paggamit ng chainsaw.

Narekober mula kay alyas โ€œTonyingโ€ ang higit-kumulang na 108 board feet ng Gmelina tree habang nasa 45 board feet naman ang nasabat kay alyas โ€œGoryoโ€.

Samantala, dinala ang mga suspek kasama ang mga nakumpiskang kahoy sa Baggao Police Station para sa kaukulang dokumentasyon ng kanilang kasong Presidential Decree No. 705 o Forestry Reform Code of the Philippines at Republic Act No. 9175 o ang Chain Saw Act of 2002.

Facebook Comments