Sunday, February 1, 2026

โ€Ž๐Ÿฎ ๐— ๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—ฆ๐—œ๐—ž๐—Ÿ๐—ข ๐—”๐—ง ๐Ÿฎ ๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ž๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—ž๐—ข๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ž๐—ฆ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—” ๐—–๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—จ๐—”๐—ก

โ€Ž
โ€ŽCauayan City – Sinalubong ng isang aksidente sa kalsada ang unang araw ng Pebrero sangkot ang 2 motorsiklo na Yamaha Mio at Honda Beat, isang Toyota Corolla, at isang Toyota Fortuner sa Brgy. Diamantina, Cabatuan, Isabela.

โ€ŽBatay sa impormasyong nakalap ng IFM News Team mula sa Cabatuan Police Station, patungong Cabatuan Proper ang direksyon ng lahat ng sasakyan nang mangyari ang insidente.
โ€Ž
Ayon sa paunang ulat, inararo ng SUV ang dalawang motorsiklo at isang kotse na naging sanhi ng banggaan.

Dahil sa lakas ng impact, ilang indibidwal ang nasugatan at agad na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan upang mabigyan ng karampatang lunas.

โ€ŽSamantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang tunay na sanhi ng aksidente.
โ€Ž
โ€ŽKasalukuyan na ring sinusuri ang mga CCTV footage sa lugar bilang bahagi ng kanilang pagsisiyasat.

Video credit: Mel Marquez.

————————————–
โ€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ€Ž#985ifmcauayan
โ€Ž#idol
โ€Ž#numberone
โ€Ž#ifmnewscauayan
โ€Ž

Facebook Comments