𝟮 𝗠𝗨𝗟𝗧𝗜-𝗣𝗨𝗣𝗢𝗦𝗘 𝗕𝗨𝗜𝗟𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗜𝗦𝗜𝗗𝗥𝗢, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡

CAUAYAN CITY- Pinangunahan ni 6th District Congressman Faustino Dy V ang inagurasyon ng dalawang multi-purpose building sa bayan ng San Isidro, Isabela.

Kabilang sa dalawang mutli-purpose building project na pinasinayaan ay sa Brgy Gomez na nagkakahalaga ng 2.6 milyong piso at Brgy. Patanad na nagkakahalaga ng 6.8 milyong piso.

Ang nasabing proyekto ay inisyatibo ni Congressman Faustino Dy V katuwang ang DPWH.


Nagpapasalamat naman si Cong. Dy sa mga barangay officials at DPWH sa walang sawang pag-suporta sa kanyang mga proyekto.

Facebook Comments