𝟮 𝗦𝗔 𝟯 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗡𝗔 𝗚𝗨𝗠*𝗛𝗔𝗦𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗧*𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗞𝗬𝗨 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗢 𝗡𝗔

CAUAYAN CITY- Napasakamay na ng mga otoridad ang dalawa sa tatlong suspek na kumitil sa buhay ng isang babaeng sekyu at inabandona ang wala ng buhay na katawan nito sa isang sementeryo sa Brgy. San Antonio, Ilagan City, Isabela.

Ang biktima ay si Gee Anne Cabasag, 40-anyos, at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa live-in partner ng biktima, natawagan pa nito sa telepono ang biktima ngunit isang lalaki ang sumagot ng tawag at sinabing sunduin nya ito sa isang core shelter ngunit bigo itong pumunta at makalipas ang ilang sandali ay napansin nito na tumawag ng ilang beses ang biktima sa kanya at agad naman itong nag-return call.


Dito narinig ang boses ni Cabansag na humihingi ng tulong ngunit agad ding namatay ang tawag.

Agad namang nagsagawa ng search operation ang mga awtoridad at sa nabanggit na lugar natagpuan ang kanyang bangkay. Lumalabas na gin*hasa din ito ng mga suspek.

Matapos ang ikinasang hot pursuit operation, matagumpay na nadakip ang dalawang suspek na kapwa 18-anyos na residente rin ng nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon, inamin ng mga ito ang kanilang ginawang krimen. Samantala, patuloy naman na pinag-hahanap ang isa pa nilang kasabwat.

Sa isinagawang autopsy, asphyxia by strangulation ang ikinasawi ng biktima kung saan sinturon ang ginamit na pangsakal sa kanya.

Facebook Comments