𝟯,𝟬𝟬𝟬 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘Ñ𝗢, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗟𝗜𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦

Libo-libong Dagupeño ang hinatiran ng government assistance sa ginanap na Unliserbisyo sa Bagong Pilipinas hatid ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City.

Isinagawa ang pamamahagi ng tulong sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS, Ayuda para sa Kapos ang Kita program o AKAP, Scholarship grant at maging ayuda para sa mga Solo Parents.

Dahil dito, halos 3,000 Dagupeño ang nakinabang sa iba’t ibang programa ng gobyerno. Hatid rin ng programa ang medical check-up, veterinary check-up, at pamamahagi ng mga wheelchairs, hearing aids at iba pa. Ang naturang kaganapan ay hatid ng nasyonal na gobyerno at lokal na pamahalaan ng Dagupan na siyang itinaon sa kaarawan ni Pangulong Bong Bong Marcos Jr. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments