Aabot sa 308 ang bilang ng mga small business owners sa Dagupan City na naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo ang nabigyan ng livelihood assistance mula sa Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kabilang sa mga benepisyaryo ay store owners, mangingisda at fish vendors.
Tumanggap ang mga ito ng sampu hanggang labing limang libong piso upang makabangon muli mula sa pinsalang idinulot ng mga nagdaang bagyo.
Nabigyan rin ng investment support sa ang tatlong asosayon ng bangus growers at fish cage operators sa lungsod.
Layon ng programang matulungan at suportahan ang mamamayang nangangailangan at mapagtibay ang ekonomiya ng bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments