𝟯𝟮𝟭 𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗕𝗔𝗚𝗦, 𝗡𝗔𝗞𝗢𝗟𝗘𝗞𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗗𝗢𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚

Kabuuang 321 bag ng dugo ang nakolekta sa Simultaeneous Blood Donation Activity sa Camp Tito Abat sa bayan ng Manaoag.

Ang naturang blood donation activity ay dinaluhan ng mga bago at regular na blood donors kabilang ang mga kawani ng Philippine Army Sa 105th Community Defense Center.

Nagsilbing tagapangasiwa ng aktibidad ang DOH Ilocos Center Health Development sa pamamagitan ng National Voluntary Blood Services Program at ng Region 1 Medical Center.

Ang mga nakolektang blood bags ay magiging karagdagang suplay ng dugo ng rehiyon sa nakakaalarmang kaso ng dengue bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments