𝟯𝟮 𝗖𝗨𝗕𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟𝗦 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗧𝗔𝗞𝗘 𝗡𝗚 𝗨𝗦 𝗠𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗦𝗔 𝗩𝗘𝗡𝗘𝗭𝗨𝗘𝗟𝗔



Cauayan City – Matapos bitbitin at dakipin ang Venezuelan President na si Nicolas Maduro at ang kanyang asawa, kasabay rin nito ang pagkumpirma ng Cuban government sa pagkasawi ng 32 Cuban nationals matapos ang isinagawang pag-atake ng US Military sa Venezuela noong Sabado ika-3 ng Enero, 2026.

Ayon sa pahayag, marami sa mga nasawi sa naturang pag-atake ay pinaniniwalaang kabilang sa malapit na security personnel ni Maduro na kasama niya nang mangyari ang insidente.

Gayunman, sinabi ng sandatahang lakas ng bansa na “malaking bahagi” ng security team ni Maduro ang kabilang sa mga nasugatan at nasawi.

Kinumpirma rin ng pamahalaan ng Cuba na ang mga opisyal na militar at pulis na ipinadala sa Venezuela ay bahagi ng isang misyong isinasagawa ng Cuban military sa kahilingan ng Venezuelan government.

Samantala, hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang mga awtoridad hinggil sa eksaktong layunin o saklaw ng misyon.

Patuloy umanong nakikipag-ugnayan ang Cuba sa Venezuela sa larangan ng kooperasyong panseguridad, batay sa umiiral na kasunduan ng dalawang bansa.

Samantala, nagdeklara ang Pamahalaan ng Cuba ng dalawang araw na pagluluksa para sa mga nasawi matapos nilang magpamalas ng katapangan matapos ang nangyaring pag-atake sa lugar.

Bukd pa rito, nagpaabot naman ng pakikiramay sina Former President Raúl Castro at President Miguel Díaz-Canel para sa mga pamilya ng mga nasawing biktima.

Gayunman, sa ngayon hindi pa isinapubliko ng mga awtoridad ng Cuba ang mga pangalan ng mga nasawi at ang mga posisyong kanilang hinawakan.

Ayon sa isang hindi pinangalanang opisyal ng Venezuela, umabot na umano sa 80 ang bilang ng mga namatay at inaasahang tataas pa ito.

Samantala, hindi pa kinukumpirma ng pamahalaan ng Venezuela ang eksaktong bilang ng mga nasawi.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments