𝟯𝟱-𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗘𝗚𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚-𝗔𝗔𝗕𝗨𝗦𝗢 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗨𝗞𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚

CAUAYAN CITY – Inaresto ng mga awtoridad ang isang 35-anyos na lalaki dahil sa alegasyong pang-aabuso at pangkukulong nito sa isang 30-anyos na ngayon na babae sa Gaiki, Poland.

Hindi na nagbigay pa ng ibang impormasyon ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng suspek at biktima.

Bago ang pagkakaaresto ay dinala muna ng suspek ang biktima sa hospital upang ipagamot ang dislocated shoulder nito at dito ay inalerto ng babae ang mga staff ng hospital sa kanyang sitwasyon.


Ayon sa ulat ng piskalya, limang taon na ang kalupitang ginagawa ng lalaki na nagsimula noong Enero 2019 kung saan ay nakaranas ang biktima ng physical, mental, at sexual abuse.

Dagdag pa ng piskalya, natagpuan umano ng mga awtoridad ang babae sa isang building na may limited access sa tubig at pagkain, subalit walang access sa toilet facilities.

Hindi naman nagbigay ng iba pang pahayag ang mga magulang ng suspek maliban sa sinabi nilang wala silang kaalam-alam sa pangyayari.

Samantala, todo tanggi naman sa mga alegasyon ang lalaki at sinabing wala itong kasalanang ginawa.

Kung sakali mang mapapatunayan ang mga alegasyon, mahaharap ang suspek sa 25 taong pagkakakulong.

Facebook Comments