Higit 36 million pesos na halaga ng food at non-food items (FNFI) ang kabuuang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1 sa lahat ng naapektuhan ng habagat at bagyong Carina sa rehiyon.
Sa kasalukuyan, nasa 46,298 na FNFI at nagkakahalaga ng PhP36,263,911.01 ang naipamahagi sa mga naapektuhang local government units sa rehiyon.
Ayon din sa kasalukuyang report, nasa 112,579 na pamilya o kabuuang 419,638 na indibidwal sa rehiyon ang nabigyan ng assistance.
Nanatiling nakaantabay umano ang tanggapan sa mga LGUs na hihingi ng tulong sa kanilang ahensya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments