Umabot na sa higit dalawang daang libo o 200,000 doses ng Routine Vaccine ang naihatid sa buong rehiyon uno sa loob ng anim na buwan.
Katumbas ito ng nasa higit tatlumput walong libo na fully immunized na mga bata sa Rehiyon.
Naipamahagi ang pagbabakunang ito sa mga bata bilang proteksyon sa mga nakakahawang sakit tulad ng tigdas, polio, tuberculosis, hepa, pertussis, diphtheria, tetanus at iba pa.
Target ng sektor ng kalusugan na maabutan pa ng pagbabakuna ang tinatayang isang daang libong mga bata edad isang taon pababa.
Samantala, nakatakda rin ilunsad ang Reaching-Every-Purok (REP) Strategy sa bawat bayan na laton na makamit ang siyamnaput kimang porsyentong Fully Immunized Child rehiyon uno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments