𝟯𝟴 𝗘𝗫𝗔𝗠𝗜𝗡𝗘𝗘𝗦 𝗞𝗨𝗞𝗨𝗛𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗬𝗦𝗜𝗖𝗜𝗔𝗡 𝗟𝗜𝗖𝗘𝗡𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗘𝗫𝗔𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Naglabas na ng abiso ang Professional Regulation Commission – Regional Office 1 ukol sa magaganap na Physicians Licensure Examination sa Ilocos Region sa darating Oktubre ngayong taon.

Sa darating na October 5, 6, 12 at 13, idadaos ang naturang eksaminasyon para sa tatlumpo’t-walong mga examinees sa PRC RO1 Testing Rooms sa Brgy. Carmat East, Rosales.

Inaasahang magdadala ang mga kukuha ng eksaminasyon ng Notice of Admission, pencil no. 2, itim na ballpen, isang piraso ng long brown envelope, at isang piraso rin ng long transparent plastic envelope.

Kailangan ding isuot ang school uniform ng mga ito.

Samantala, maaaring magtungo sa www.prc.gov.ph para sa kumpletong impormasyon ukol sa magaganap ng licensure examination upang maiwasan ang anumang abala pagdating sa araw ng eksaminasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments