Sinamantala ng ilang Dagupeño ang 38 pesos na kada kilo ng Bigas na ibinebenta sa Malimgas Public Market sa Dagupan City.
Malaking katipiran sa mga ito ang naturang bigas kumpara sa dati nilang binibili.
Ayon sa ilang rice retailer, dagsa ang mga bumibili ng 38 pesos kada kilo simula nang magkaroon ng supply ang mga ito noong nakaraang linggo.
Paliwanag ng mga rice retailers, epekto ito ng maagang pag-ani ng mga magsasaka dulot ng masungit na panahon.
Sa ngayon, marami pa umanong suplay ang mga ito sa 38 pesos na kada kilo ng bigas.
Samantala, nasa 57 pesos naman ang pinakamahal na presyo ng kada kilo ng bigas na mabibili sa mga pamilihan ng lungsod.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments