Aprubado na ang three billion pesos supplemental budget ng lalawigan ng Pangasinan. Ang naturang supplemental budget ay gagamitin sa mga nakalatag na programa at proyektong isasagawa maging sa operasyon ng provincial government.
Kabilang din sa popondohan ng inaprubahang budget ay ang pagtaas sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno.
Isa rin sa nilalayon ng provincial government ay ang pagpapabuti pa sa collection of revenues.
Sa pamamagitan ng mga malalaking proyekto ay posibleng makatulong o magkaroon ito ng kontribusyon sa pagpapataas ng revenue ng lalawigan.
Nito lamang, iminungkahi ni Governor Ramon Guico III ang pagtaas sana sa annual budget mula sa kasalukuyang 5.7 billion pesos ay gawing 7 billion pesos para sa taong 2025. |πππ’π£ππ¬π¨