𝟯 𝗦𝗛𝗢𝗣𝗟𝗜𝗙𝗧𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗛𝗬𝗚𝗜𝗘𝗡𝗘, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚

Huli sa aktong pagnanakaw ng personal hygiene items sa isang supermarket ang tatlong katao sa Lingayen, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay isang lalaki na edad 29 anyos at dalawang babae, 47 at 49 anyos na residente ng Caloocan City.

Nakita ng head ng security guard sa CCTV ang tatlo na paikot-ikot sa loob ng supermarket na kakaiba ang ikinikilos. Ang lalaki, ang tagakuha ng mga nakaw na produkto habang ang dalawang babae ang look out nito.

Nang sitahin ng security guard ang lalaki, nakita sa pink na bag nito ang ninakaw na personal hygiene na nagkakahalaga ng humigit kumulang 29,000. Wala namang maipakitang resibo ang suspek.

Itinurn over sa pulisya ang tatlo at nahaharap sa kaukulang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments