𝟰𝗣𝗛 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗘𝗢

CAUAYAN CITY – Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng San Mateo ang programang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino o 4PH Program.

Ang nasabing programa ay ipinatupad noong Setyembre 2022 sa ilalim ng pamumuno ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Layunin nitong magkaroon ng sariling bahay ang bawat Pilipino at maging zero informal settlers ang bansang Pilipinas sa taong 2028.


Isinagawa ang Groundbreaking Ceremony noong ika-9 ng Agosto kasabay ng paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU) para sa mga itatayong bahay sa Brgy. Villa Gamaio.

Facebook Comments