𝟰𝟬𝟬 𝗦𝗧𝗔𝗟𝗟𝗦 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧, 𝗡𝗔𝗧𝗨𝗣𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚

Nilamon ng apoy ang higit 400 stalls sa Old Public Market ng San Carlos City, Pangasinan kahapon.

Dakong alas singko ng umaga nang magsimula ang sunog na itinaas hanggang sa ikatlong alarma. Nasa 24 na firetrucks mula sa iba’t-ibang bayan at siyudad ng probinsiya ang rumesponde upang apulahin ang apat na oras na sunog.

Sa inisyal na imbestigasyon ng San Carlos City Fire Protection, tinatayang aabot sa 24 milyon ang danyos ng sunog sa Old Public Market.

Nagsagawa na ng pagpupulong ang lokal na pamahalaan upang maihanda ang tulong sa mga naapektuhan ng sunog.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng BFP sa sa pinagmulan at sanhi ng sunog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments