𝟰𝟮𝟴 𝗟𝗔𝗪 𝗩𝗜𝗢𝗟𝗔𝗧𝗢𝗥𝗦, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗞𝗢𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

CAUAYAN CITY – Umabot sa 428 na indibidwal ang napasakamay ng Isabela Police Provincial Office matapos ang isinagawang tuluy-tuloy na operasyon sa buong buwan ng Hulyo.

Sa inilabas na datos ng PNP Isabela, umaabot sa 48 ang nadakip na wanted persons na nahaharap sa magkakaibang kaso, 379 na indibidwal naman ang hinuli dahil sa paglabag ng mga ito sa batas trapiko kung saan 16 sa mga ito ang pinagmulta.

Samantala, isa naman ang nahuli sa ikinasang operasyon kaugnay sa illigal possession of firearms, habang 20 naman ang dinakip dahil sa iligal na sugal.


Kaugnay nito, patuloy naman ang ginagawang kampanya ng kapulisan ng Isabela upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat mamamayan sa lalawigan.

Facebook Comments