𝟰𝟯𝟬 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗙𝗨𝗘𝗟 𝗗𝗜𝗦𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧 𝗖𝗔𝗥𝗗𝗦

Nakatanggap ng fuel discount card ang nasa apat na raan at tatlumpo (430) na magsasaka sa Pangasinan mula sa Department of Agriculture.

Kabuuang 1.3 million pesos ang halaga ng mga naipamahaging fuel discount cards sa mga magsasaka mula sa iba’t-ibang munisipalidad sa lalawigan.

Tumanggap ng tig-tatlong libong pisong halaga ng naturang discount card ang bawat benepisyaryong magsasaka.

Malaking tulong naman umano ayon sa mga nakatanggap na magsasaka ang naturang discount cards pagdating sa gastusin sa kanilang makinarya lalo sa pagbibili ng langis.

Layon ng pamamahagi ng fuel discount card na ito na maibsan ang hirap ng mga magsasaka sa epektong naidudulot ng presyo ng langis na ginagamit sa kanilang makinaryang pansaka at ilan pang kagamitan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments