𝟰𝟰𝟬 𝗡𝗔 𝗟𝗢𝗢𝗦𝗘 𝗙𝗜𝗥𝗘𝗔𝗥𝗠𝗦, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡

Umabot sa 440 na loose firearms ang isinuko sa La Union bilang pagsuporta sa nalalapit na halalan.

Isinagawa ang ceremonial presentation ng mga baril sa Marangal Grandstand Camp, Diego Silang Carlatan San Fernando City, La Union.

Sa nasabing bilang 242 rito ay boluntaryong isinuko at 198 ang idineposito sa Pulisya.

Ayon kay Regional Director PBGEN Lou Evangelista, ang mga naturang armas ay boluntaryong isinuko ng mga firearm owner upang mapanatili ang peace and order sa rehiyon bilang paghahanda sa 2025 Midterm Elections.

Hinihikayat naman ng tanggapan ang mga firearm owner na makiisa sa mga License to Operate and Possess Firearms (LTOFP) Caravan sa iba’t-ibang bayan upang magkaroon ng karampatang dokumento sa mga pinanghahawakang armas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments